Riders sa Cagayan Valley, Nagbahagi ng Dugo sa Philippine Red Cross

*Cauayan City, Isabela*- Boluntaryong nagbahagi ng dugo ang ilang miyembro ng mga riders sa Lambak ng Cagayan bilang tugon sa karagdagang suplay nito para sa mga mangangailangan sakaling may kakulangan sa dugo.

Ayon kay PRC Isabela Administrator Stephanie Cabrera, nakalikom sila ng kabuaang 50 bags mula sa donation ng mga ito.

Tuloy-tuloy naman ang paghikayat ng Red Cross sa mga nagbabalak na magonate ng dugo dahil may mga isinasagawang in-house blood donation ang kanilang tanggapan.


Samantala, ipinagdiriwang ngayon ang ika-73 anniversary ng Philippine Red Cross na layong hikayatin ang publiko na boluntaryong magdonate ng kani-kanilang dugo upang tugunan ang kakulangan nito at makatulong sa kapwa sa oras na kailanganin ng mga ito.

Facebook Comments