Ridership ng MRT-3 noong 2021, umabot ng higit 45 million

Mahigit 45 million ang kabuuang ridership ng Metro Rail Transit-3 o MRT-3 para sa taong 2021 ayon sa ulat ng MRT-3.

Ayon kay Director for Operations Michael Capati ang average daily ridership noong karaang taon ay umabot naman ng 136,935.

Aniya, bumaba ang total ridership ng MRT-3 noong buwan ng Abril kung saan meron itong 2.2 million, bunsod na rin ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.


Bumalik aniya ang pagtaas ng mga pasahero ng MRT-3 sa buwan ng November at December dahil na rin sa pagpatupad ng 70% passenger capacity.

Batay sa kanilang tala, noong November 2021, Nakapagtala sila ng 4.4 million passengers at noong December naman ay 5.5 million na pasahero.

Pahayag pa ni Capati, sa taong 2021, naramdaman aniya ng mga pasahero ang mga pagbabagong hatid ng rehabilitasyon ng MRT-3, kung saan naibaba nito ang travel time at naitaas din ang bilang ng mga napapatakbong tren sa mainline mula sa 10-15 noon tungong 17-22 ngayon.

Tiniyak naman ni Capati na pa tuloy pa rin ipatutupad ang health and safety protocols laban sa COVID-19 para sa kaligtasan ng mga pasahero ng MRT-3.

Facebook Comments