Manila, Philippines – Sugatan ang isang 20-anyos na lalaki matapos mabaril sa Brgy. Sta. Ana, Taguig City.
Nakilala ang biktima na si Gerry Nell Pagkaliwanan, residente sa nabanggit na Barangay.
Sa imbistigasyon, nakatambay ang biktima sa Romantic Village Ibayo kasama ang mga kaibigan ng hintuan siya ng riding in tandem.
Hindi na nagsalita ang mga suspek at agad binaril ang biktima sa kaliwang paa saka mabilis na tumakas.
Agad dinala ang biktima sa Rizal Medical Center sa Pasig City kung saan patuloy pang tinutugis ang mga suspek na nakilala sa alyas na “Kyron” at ‘Colon”, na residente ng Brgy. Ususan.
Facebook Comments