Riding in Tandem, Kumana na Naman sa Cagayan

Gattaran, Cagayan – Patay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng riding in tandem.

Ang biktima ay nakilalang si Romel Delos Santos y Ramos, may asawa, 45 anyos, isang magsasaka at naninirahan sa Barangay Cumao, Gattaran, Cagayan. Nangyari ang pamamaril bandang 8:45 ng gabi Setyembre 22, 2017.

Sa nakalap na report ng RMN Cauayan News Team, ang biktima habang minamaneho ang kanyang tricycle mula sa bahay ng kanyang kapatid ay bigla na lamang pagbabarilin ng isa sa dalawang sakay ng isang motorsiklo.


Agad namang itinakbo ang biktima sa Dr Thomas Nolasco Hospital ngunit nadeklara ding dead on arrival samantalang ang dalawang salarin ay tumakas gamit ang di naplakahang motorsiklo.

Sa follow up report na ginawa ng RMN affiliate Radyo DZCV Reporter na si Evangeline Malana ay di pa malaman ang motibo ng naturang pamamaslang.

Facebook Comments