RIDING IN TANDEM | Lima sugatan sa pagsabog ng granada sa North Cotabato

North Cotabato – Lima ang sugatan matapos sumabog ang isang granada sa harap ng isang sari-sari store sa Barangay Kolambog, Pikit North Cotabato.

Ilan sa mga sugatan ay nakilalang sina Ariel Abrenica, Jerry Cordova at Leonardo Baclayon habang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang iba pa.

Sa ulat, nakatambay sa nasabing tindahan ang lima ng biglang huminto ang riding in tandem suspects at bigla silang hinagisan ng granada saka mabilis na tumakas.


Patuloy naman nakaalerto ang North Cotabato PNP matapos ang nasabing insidente.

Facebook Comments