RIDING IN TANDEM | Mag-asawa, pinagbabaril!

Caloocan City – Patay ang mag-asawa matapos pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem sa Bagong Silang, Caloocan City.

Tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng mag-asawang sina Mayet at Justine Bagay.

Pauwi na galing pamamalengke ang dalawa nang bigla silang lapitan ng mga suspek saka pinagbabaril sa tapat ng tala cemetery.


Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments