RIDING-IN-TANDEM | Mag-live in partner, patay sa pamamaril

Caloocan City – Inaalam na ngayon ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa mag-live in partner sa Brgy. 175, Camarin, Caloocan City.

Nakilala ang mga biktima na sina Elmer Escote at Corazon Torres.

Sa ulat, naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Susano Road sa nasabing Barangay ng biglang pagbabarilin ng riding-in-tandem.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos na masigurong patay na ang mga biktima kung sana wala namang residente ang gustong magsalita sa takot na madamay sa krimen.

Facebook Comments