Riding in tandem na nanghablot ng bag, huli sa Maynila

38

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang riding in tandem matapos manghablot ng bag ng isang Chinese national Sa Dasmariñas Street sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Conrad Acebedo at Benjie Bongabon.


Naglalakad noon galing sa kaniyang tindahan sa Divisoria at pauwi na sa kanilang bahay ang biktimang babae nang salubungin siya ng riding in tandem.

Dito ay hinablot ng isang suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng kaniyang cellphone at P4,000 cash.

Maswerte namang may mga nagpapatrolyang pulis sa lugar na humabol sa mga suspek na agad ring naaresto.

Facebook Comments

From Advertisers