Riding in tandem, nakalusot sa Mandaluyong; Biktimang pinagbabaril, napagkamalan lang daw

Mandaluyong City – Sa kabila ng ordinansa sa Mandaluyong na nagbabawal ng riding-in-tandem, isang tricycle driver ang patay sa pamamaril ng dalawang lalaking magkaangkas sa motor sa Barangay Julo, lungsod ng Mandaluyong.

Ayon sa isang testigo, tumakas patungong Makati ang mga suspek matapos pagbabarilin ang biktimang si Jade Manuel, 27-anyos.

Paliwanag ng bantay bayan ng lungsod na si Oliver Reyes, nakalusot lamang ang mga salarin lalo na’t malapit din sa bahagi ng Makati ang pinangyarihan ng krimen.


Pinaniniwalaan naman ng mga kaanak ng biktima na posibleng mistaken identity ang nangyari dahil hindi ito sangkot sa iligal na droga at wala ring rekord ng anumang kaso.

Facebook Comments