RIDING-IN-TANDEM | NCRPO, nagbabalang sisibakin ang mga high ranking officials

Manila, Philippines – Nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga high ranking officials na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, dapat paigihin pa ng mga metro cops ang kanilang trabaho lalo na kampanya laban sa mga riding-in-tandem criminals.

Giit ni Albayalde, hindi lang ang mga precinct commanders ang masisibak, maging ang mga police district directors kapag napatunayan ang neglect of duty.


Seryoso aniya sila sa pagpapatupad ng prinsipyo ng command responsibility.

Sa tala ng NCRPO, 77 shooting incidents na kinasasangkutan ng riding-in-tandem ang naitala sa Metro Manila mula December 5, 2017 hanggang March 13, 2018 kung saan siyam na kaso lamang ang naresolba.

Facebook Comments