RIDING IN TANDEM | Pamamaril sa mag-live in partner, may kinalaman sa droga?

Caloocan – Droga ang tinitingnang motibo sa pamamaril ng riding-in-tandem sa mag-live in partner sa Bagombong, North Caloocan.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Luisito Bandola at Edna Umali.

Drug pusher umano sa kanilang lugar ang mag-partner.


Kwento ng mga nakasaksi, hinarang ng riding-in-tandem ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima nang bigla silang paputukan ng baril.

Tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ni Umali habang tadtad rin ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Bandola.

Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala at P9,300 cash money at isang pekeng P1,000.

Facebook Comments