Rido ng 3 pamilya sa Lanao del Sur inayos na kahapon

Tinapos na ng tatlong pamilya ang kanilang rido o hindi pagkakaunawaan matapos isagawa kahapon ang rido settlement sa headquarters ng 6th IB sa barangay Matling sa bayan ng Malabang sa Lanao del Sur. Sinabi ni Lt.Col Gerry Besana, CMO Chief ng 6th id ay matagumpay na naisakatuparan kahapon ang rido settlement . Ang mga sangkot na pamilya ay mula sa pamiya Bacaraman-Pandato na nagmula sa bayan ng Marugong at pamilya Dimatingkal- Manalucon at Katayong. Marami ang dumalo sa mga sangkot na pamilya at nangako mga ito na iititigil na ang girian at labanan.
Nagsimula ang rido noon lamang nakaraang taon ng magkaroon ng barilan sa Marugong sangkot ang nabanggit na mga pamilya hanggang sa magkaroon ng gantihan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments