RIDO sa mga boundaries ng Sultan Kudarat, Sultan Mastura at Cotabato City inaayos na !

15

Pinangunahan ni LMP Maguindanao Chapter President at Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ang isinagawang Joing MDRRMC at MPOC Meeting kahapon.
Kasama nito ang mga representatante mula Marines, PNP , MILF CCCH, Department Heads at ilang Baranggay Offcials.
Layunin ng meeting ay para sa agarang pagresolba sa namumuong tensyon sa pagitan ng ilang pamilya na may RIDO sa mga area ng Kalanganan 1 ng Cotabato City, Solon ng Sultan Mastura at Sambolawan ng SK.
Kaugnay nito , tiniyak ng Alkalde na walang dapat ikabahala lalo na sa mga residente na mga nabanggit na barangay dahil may direktiba na rin sa mga otoridad para na rin sa seguridad ng mga ito.
Nanawagan naman si Mayor Shameem sa mga pamilyang involved sa RIDO na maging mahinahon.
SK PMS Pic

Facebook Comments

From Advertisers