Rifle Grenade, Narekober sa Tumauini, Isabela

38

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naipasakamay sa himpilan ng pulisya ang isang rifle grenade na narekober ng barangay Kagawad partikular sa sinasaka nitong lupa sa bahagi ng brgy. Antagan 1st, Tumauini, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ni PMaj Rolando Gatan, hepe ng PNP Tumauini, nakatanggap ng tawag ang kanyang himpilan mula kay brgy. Kagawad Marcial Macababbad, 43 taong gulang na mayroon itong nakitang rifle grenade sa madamong bahagi ng kanyang nililinisang bukid.


Agad naman nitong ipinasakamay sa mga rumespondeng pulis at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments