RIGHT LANE PARA SA MGA SLOW-MOVING VEHICLES SA BUGALLON, MAHIGPIT NA TUTUTUKAN

Mahigpit na ipinatutupad ng pulisya sa Bugallon ang tamang paggamit ng lane ng kalsada, partikular para sa mga mababagal na sasakyan, bilang bahagi ng patuloy na pagsasaayos ng daloy ng trapiko at pag-iwas sa mga aksidente sa bayan.

Ayon sa pulisya, ang mga slow-moving vehicle gaya ng tricycle, motorsiklo, bisikleta, traktora at e-bike ay kinakailangang manatili sa pinakakanang bahagi o outer lane ng kalsada, lalo na sa mga pangunahing lansangan.

Layunin ng mahigpit na implementasyon na mabawasan ang mga sagabal sa kalsada, mapanatili ang maayos na daloy ng sasakyan, at maiwasan ang mga insidenteng dulot ng biglaang pagbagal o maling puwesto ng mga mababagal na sasakyan sa fast lane.

Patuloy namang hinihikayat ang mga motorista na sumunod sa tamang lane discipline bilang bahagi ng kolektibong responsibilidad sa kaligtasan sa kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments