Right of way agreement para sa Metro Manila Subway project nilagdaan ng DOTR at DND

Isang kasunduan para sa right of way ng Metro Manila Subway Project Phase 1 ang nilagdaan nina Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana at Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

Ang prokekto, na itinuturing na isa pinakamalaking flagship infrastructure projects sa ilalim ng Build Build Build program ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang subway system ng Pilipinas.

Ang subway na tatakbo mula sa NAIA Terminal 3 at Paranaque hanggang sa Quezon City ay inaasahang magiging solusyon sa problema ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila.


Kapag makumpleto, magiging 32 minuto lamang ang biyahe ng mga commuter mula sa magkabilang dulo.

Batay sa ng nilagdaan kasunduan, pumayag ang DND na magamit para sa proyekto ang 5 real estate properties ng DND.

Facebook Comments