Manila, Philippines – Hindi dapat gamitin ang right to privacy para itago sa publiko ang mga impormasyon sa Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ng mga taga-gobyerno.
Reaksyon ito ni Committee in Public Information and Mass Media Chairperson Senator Grace Poe sa pahayag ng palasyo na right to privacy ang ginawa ng mga cabinet officials na pagtatakip sa mga impormasyon sa kanilang SALN.
Paliwanag ni Senator Poe, may karapatan ng lahat sa right to privacy pero kailangan itong isuko ng mga nasa gobyerno.
Binigyang diin pa ni Senator Poe na kailangang maging malinaw sa publiko ang mga pag-aaring kumpanya o mga affiliations, at pinagkukuhanan ng hanapbuhay ng mga nasa pamahalaan.
Facebook Comments