Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga mag-a-avail ng Local Absentee Voting (lav) na gamitin ang karapatang bumoto sa National at Local Elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi dapat ipinapakita kaninuman kung sinu-sino ang mga ibinotong kandidato.
Ibinigay din ni Jimenez ang step-by-step guide kung paano bumoto sa local absentee voting.
Ang mga local absentee voters ay makatatanggap ng papel na may written instructions kung paano sila boboto, kung saan isusulat ang pangalan ng 12 senador at isang party-list representative na kanilang ihahalal.
Bukod dito, bibigyan sila dalawang envelope.
Matapos kumpletuhin ang balota, kukunin ang fingerprint ng kanang hinlalaki at itatatak ito sa coupon matatagpuan sa ilalim na bahagi ng balota.
Ang coupon ay ihihiwalay sa balota ay ilalagay sa loob ng malaking envelope habang ang balota ay itutupi ay isusuksok sa maliit na envelope.
Matapos maselyuhan ang maliit na sobre ay ipapasok ito sa malaking sobre ay seselyuhan din.
Pagkatapos ay isusulat ng botante ang kanyang buong pangalan at pirma sa malaking envelope bago isumite sa Local Absentee Voting Supervisor.
Magtatapos ngayong araw ang LAV.
Sa datos ng COMELEC, aabot na sa 34,693 Government Officials at Employees, miyembro ng PNP at AFP, maging media practitioners ang rehistradong botante pero hindi makakaboto sa mismong araw ng halalan (May 13) dahil sa kanilang trabaho.