Manila, Philippines – Lusot na sa Kamara ang Housebill 5707 o ang ‘Rightsizing Bill’.
Sa ilalim ng panukala, tatanggalin ang mga posisyon at ahensya sa gobyerno na redundant o pareho lang ang function, hindi umaabot sa target at magastos.
Pero kay Act Partylist Representative Antonio Tinio, malawakang sibakan ang magiging katumbas nito.
Paglilinaw naman ng pangunahing may akda ng batas na si Davao 1st District Rep. Karlo Nograles – Hindi layunin ng batas na magpatalsik ng mga kawani ng gobyerno.
Sa ngayon, higit dalawang bilyon ang bilang ng mga empleyadong nagtatrabaho sa gobyerno.
Sa tantya ng Budget Department 250,000 na trabaho ang maapektuhan ng panukala.
Facebook Comments