Binigyang diin ni Philippine National Police Chief General Rommel Francisco Marbil na walang kinalaman sa paghahanap sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kapwa akusado ang ginawang balasahan sa hanay ng pulisya sa Davao city Police.
Ayon kay Marbil, nahuli ang isa sa mga wanted na si Paulene Canada dahil na rin sa tulong ng reward money at hindi dahil sa pag-reshuffle ng kanilang mga opisyal sa Davao.
Sinabi pa ni Marbil na mahirap talagang hanapin ang isang taong nagtatago sa batas lalo na’t nahuli si Canada halos dalawang metro lamang ang layo mula sa himpilan ng pulisya.
Pero malaki aniya ang tulong ng patong sa ulo at ang inilabas na wanted poster ng mga suspek dahil sa ngayon marami na silang tip na natatanggap mula sa publiko.
Nabatid na mula noong Mayo, sunod-sunod ang pagbalasa sa matataas na opisyal ng Davao City Police Office kung saan pinakahuli dito ay ang pag-reshuffle sa tatlong opisyal sa loob lamang ng isang araw.