Rigodon sa ilalim ng bagong PNP chief, ipinatupad

Nagpatupad ng balasahan sa kauna-unahang pagkakataon sa ilalim ng liderato ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr.

Kabilang sa inalis bilang hepe ng Directorate for Comptrollership si PBGen. Jose Melencio Nartatez Jr., at inilipat bilang hepe ng Directorate for Intelligence na siyang binakante ni Acorda bago naging PNP chief.

Nabatid na mahigit isang linggo lamang nanungkulan sa Directorate for Comptrollerhsip si Nartatez makaraang italaga ng nagretirong si PNP Chief Rodolfo Azurin Jr.


Papalit kay Nartatez sa Directorate for Comptrollerhsip si PBGen. Rommel Francisco Marbil.

Samantala, itinalaga naman si PBGen. Vincent Sarbbun Calanoga bilang acting director ng Police Regional Office 8 o Eastern Visayas.

Habang itinalaga naman bilang Acting Deputy Regional Director for Administration ng Bicol Regional PNP si PBGen. Roger Laroza Quesada.

Si PBGen. Limuel Esto Obon naman ang bagong Director ng Human Rights Affairs Office.

Facebook Comments