Rigodon sa PNP, aasahan na sa mga susunod na araw

Nag-umpisa na si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na aralin ang bawat performance ng mga key official sa Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP Public Information Chief Col. Redrico Maranan, nais munang makita ni PNP Chief Acorda ang statistics of accomplishments ng mga PNP key official and commander na posibleng maging daan ng balasahan sa kanilang hanay.

Aniya, titingnang maigi ni Acorda ang mga accomplishment ng mga regional director na magiging basehan nito sa pagsasagawa ng organizational movement.


Sa ngayon kasi wala pang major reshuffle ang nagaganap sa PNP simula noong italaga si Acorda bilang PNP chief noong Abril 24 ngayong taon.

Matatandaang makalipas ang isang linggo ay agad na nagkaroon ng major reshuffle sa PNP kabilang ang 80 colonels at generals nang maitalaga sa pwesto ang predecessor nito na si dating PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Facebook Comments