Rigodon sa PNP, muling ipinatupad

Nagpatupad ng balasahan sa kanilang hanay ang Philippine National Police (PNP).

Ito’y upang punan ang mga bakanteng puwesto sa kanilang matataas na posisyon.

Sa inilabas na order na pirmado ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, itinalaga bilang bagong Director ng PNP Anti Cybercrime Group si dating Southern Police District Director PBGen. Bernard Yang.


Habang si dating Special Action Force Director Police Brig Gen Manuel Javier Abruguena naman ay itinalaga bilang bagong District Director ng Southern Police District.

Inaasahang magkakaroon pa ng mga susunod na balasahan sa hanay ng mga matataas na opisyal ng PNP dahil sa madami ang nagretiro ngayong buwan ng Disyembre kabilang ang number 3-man o si Deputy Chief for Operations na si Police Lt. General Michael John Dubria.

Ilan pang matataas na posisyon sa PNP ang bakante sa ngayon kabilang ang Directorate for Information and Communication Technology o DICT gayundin ang SAF.

Facebook Comments