Magpapatupad ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang reorganization sa hanay ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Kinumpirma ito ng pangulo sa pagdalo sa PinasLakas vaccination campaign event sa Maynila.
Ito ay kasunod sa isyu sa iligal na pagpirma ng resolusyong importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
Ayon sa pangulo tatapusin ngayon linggo ito ang reorganization sa Sugar Regulatory Administration (SRA).
Samantala, ayon pa sa pangulo magkakaroon ng koordinasyon ang industrial consumers at suppliers ng asukal para malaman ang available na supply ng asukal sa bansa na pwede nang ilabas sa merkado.
At kapag natukoy na kulang talaga ay saka pa lamang magi-import ng asukal.
Una nang sinabi ng pangulo na posibleng sa buwan ng Oktubre ay mag-import na ng asukal ang Pilipinas na aabot sa 150,000 metric tons ng asukal na magiging supply para sa buong taon ng 2022.