RIMPAC | Contingent ng Phil. Navy, tutungo na ng Hawaii sa Miyerkules

Manila, Philippines – Nakatakdang magtungo sa Honolulu, Hawaii sa Miyerkules, June 6 ang grupo mula sa Philippine Navy para makilahok sa Rim of The Pacific (RIMPAC) exercises.

Ang RIMPAC exercise ay pinakamalaking international warfare exercise sa buong mundo.

Ayon kay Navy Spokesperson, Capt. Lued Lincuna – ang sealift vessel na BRP Davao del Sur, ang frigate na BRP Andres Bonifacio, kasama ang agusta westland naval helicopter ang isasama ng pilipinas sa RIMPAC mula June 27 hanggang August 2.


Ang Naval Task Force RIMPAC ay pamumunuan ni Capt. Ernesto Baldovino habang ang mission head ay pangungunahan ni Commodore Toribio Adaci.

Facebook Comments