RIOT | Lalaking nadamay lang, patay!

Tondo, Maynila – Bangkay na ng matagpuan ang isang lalaki na nadamay sa riot sa Baseco Compound, Tondo, Maynila.
Hindi pa din nakikilala ang biktima na nakasando at naka-shorts na pula.
Sa ulat, nagkaroon muna ng rambulan sa Block 15 at makalipas ang gulo ay nakita na ang biktima na napapaligiran ng basag na bote at may malaking bato sa kanang kamay.
Sinisilip naman ngayon ng mga otoridad kung nahagip ng CCTV ang insidente para matukoy kung sino ang mga may sala.

Facebook Comments