Quezon City – Humupa na ang tensyon sa Quezon City Jail, matapos na mag-riot ang mga miyembro ng Batang City Jail at Bahala Na Gang kaninang alas tres y medya ng madaling araw.
Itinalaga na sa city jail ang Special Task Response Team ng BJMP at SWAT team upang tiyakin hindi na muling sumiklab ang riot.
Nagkalat sa loob ng jail ang mga pinaulan bato, samut-saring gamit.
Ayon kay Supt. Emelito Moral, Quezon City Jail Warden, may ilang preso na sugatan sa riot pero minor injury lamang.
Pinagmulan aniya ng gulo ay dahil sa natapon na tubig mula sa isang grupo at natapunan ang isang preso na ikinagalit.
Sa ngayon ay nililinis lamang ang mga nagkalat na bato, at mga gamit na ginamit na pangbato ng magkalabang bahala na gang at Batang City Jail.
Kasabay nito ang pag-uusap ng mga mayor ng bawat selda kasama ang kanilang mga lider at Quezon City jail warden.