Risa Hontiveros sa pagkatalo ng Otso Diretso: ‘Andiyan pa rin ang aming fighting spirit’

1439

Bumaba man ang bilang ng oposisyon sa Senado, nariyan pa rin ang kanilang fighting spirit, ayon kay Senator Risa Hontiveros, Miyerkules, sa isang panayam sa News to Go.

Sa panayam, inamin ng senador ang pagkalungkot ng oposisyon nang walang manalo sa Otso Diretso slate nitong midterm elections.


“Wala namang matutuwa sa amin na nabawasan kami, pero ganu’n talaga. Andiyan pa rin ang aming fighting spirit,” ani Hontiveros.

“This is not the endgame. Kami sa oposisyon, sanay kami sa mahihirap na laban. We are prepared to fight the long game,” dagdag niya.

Patuloy naman aniya ang paghahanap ng oposisyon ng “issue-based alliances” sa pagsulong ng karapatang pantao, kalayaan, at demokrasya.

Facebook Comments

From Advertisers