Risa Hontiveros sa paratang ni ‘Bikoy’: imahinasyon lang ng Malacañang

832
Photo from Senator Risa Hontiveros on Facebook

Tinawag ni Senator Risa Hontiveros na produkto ng malawak na imahinasyon ng Malacañang ang mga paratang na ibinabato sa oposisyon kaugnay ng isyu ni ‘Bikoy.’

Isa si Hontiveros sa mga miyembro ng oposisyon na idinawit ni Peter Joemel Advincula, ang umanong ‘Bikoy’ sa viral video na “Totoong Narco list,” na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.


Sa Twitter, kinuwestyon ng senador kung bakit aniya noong ang Pangulo at mga kalapit nito ang inaakusahan ni Advincula ay handa itong arestuhin agad agad ng administrasyon.

“Ngayong nag-iba ang tono at inakusahan ang oposisyon, credible na agad-agad?” ani Hontiveros.

“This is fanciful & another attempt by this administration to distract the public. Just like the Pres’s matrices, it is another product of Malacanang’s wild imagination,” pahayag ng senador sa kanyang Twitter account.

Facebook Comments

From Advertisers