Risk classification, HCUR, at COVID-19 cases, pagbabasehan ng Metro Manila mayors para sa susunod na alert level sa NCR — MMDA

Pagbabasehan ng mga alkalde sa Metro Manila ang risk classification, healthcare utilization rate, at ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) para sa irerekomendang susunod na alert level sa rehiyon.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Romando Artes, pag-uusapan nila ito sa gagawing pagpupulong ng Metro Manila mayors bukas ng gabi kung kaya’t asahang maglalabas sila ng rekomendasyon ukol dito.

Kabilang sa magiging konsiderasyon bago ibaba ang alert level sa NCR ay dapat nasa 70% na target population na ang nabakunahan at nasa 80% naman ang vaccination rate ng mga senior citizen upang hindi sila maging dahilan ng pagtaas ng hospitalization rate.


Sa ngayon, bagama’t lagpas na sa target ang nabakunahan sa NCR, ay tinatapos na lamang na mabakunahan ang ilan pang mga senior citizen at may commorbidity at kinakailangang mabigyan din ang mga ito ng booster dose.

Samantala, habang naghahanda ang bansa sa susunod na hakbang laban sa COVID-19 pandemic ay ikakasa rin ng pamahalaan ang mga karagdagang kondisyon bago isailalim ang ilang lugar sa Alert Level 1.

Facebook Comments