Risk framework para unang investment ng Maharlika Investment Fund, nakatakdang aprubahan bukas

Nakatakdang aprubahan bukas, July 18 ng board ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang investment at risk management framework o I&RM ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay MIC President and CEO Rafael Consing, ang I&RM Framework ang tinatawag na precondition upang makapagsagawa ng unang investment ang MIF.

Ang investment and risk management framework ay naglalaman ng detalyadong mga polisiya, estratehiya, at risk management practices na magiging gabay sa paggawa ng desisyon sa pamumuhunan at pamamahala ng portfolio ng MIC.


Tiniyak naman ng Maharlika Investment Corporation na dadaan sa butas ng karayom ang lahat ng mga gagawing desisyon sa Maharlika Investment Fund.

Facebook Comments