RITM, dapat tiyaking accurate ang inilalabas na COVID-19 test results ayon sa Malacañang

Hinimok ng Malacañang ang Research Institute for Tropical Medicine na tiyaking wasto o tama ang COVID-19 test results bago ilabas sa mga pasyente o doktor.

Ito’y matapos linawin ng RITM na si Act-cis Partylist Rep. Eric Go Yap ay negatibo sa COVID-19, ang pagkakamali ay bunsod ng “Clerical Oversight.”

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang maling ulat sa test results ng mambabatas ay nagdulot ng pagkabahala at takot sa mga nagkaroon ng physical contact sa kanya at nagkusang nagpa-quarantine.


Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Security Group (PSG) Commander Jesus Durante III, patuloy pa rin iimbestigahan ang Kongresista dahil sa paglabag nito sa protocol na itinakda ng palasyo sa gitna ng banta ng COVID-19.

Hinihintay na lamang niya ang magiging rekomendasyon ng team.

Inaatasan pa rin ang mga PSG personnel sa Malacañang na sumailalim pa rin sa self quarantine simula ngayong araw hanggang April 10.

Facebook Comments