Pumasok sa Pilipinas sa pagitan ng Enero hanggang Hulyo ang multiple lineages at strains ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.
Ayon sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), pinag-aralan nila ang unang 17 sets ng SARS-CoV-2 genome sequences na nagbigay sa mga researcher ng “uncover patterns” ng virus.
Ang mga pumasok na strains ng SARS-CoV-2 ay nagsimula ng transmission clusters na siyang nagpakalat ng infection sa bansa.
Mayroong dalawang major strains ng SARS-CoV-2, na tinukoy sa pamamagitan ng mutations sa genome sequence ng virus: ang isa ay nagmula sa China o lineages A at lineages B, na may anim na sub-lineages na nagmula sa Pilipinas na nakolekta mula sa samples sa Metro Manila, Ilocos Sur, Rizal, Laguna at sa Bohol.
Pag-aaralan pa ng RITM ang ilang samples katuwang ang UK-based University of Glasgow.
Lumalabas din sa findings na kailangan ng matinding surveillance at control measures sa ports of entry sa bansa.