Muling maglilimita ng operation ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) matapos magpositibo sa COVID-19 ang 31 staff nito.
Ang RITM ang national reference laboratory at pinakamalaking COVID-19 testing center.
Ayon kay RITM Director Dr. Celia Carlos, magtatagal ang limitadong operasyon hanggang bukas, July 18.
Magsasagawa rin ng full servicing ng mga equipment, decontamination ng mga pasilidad at pagsasagawa ng COVID-19 testing sa mga staff nito.
Paglilinaw ni Dr. Carlos na patuloy silang tatanggap ng specimens mula sa admitted patients sa loob ng kanilang testing zone.
Humiling ang RITM sa Centers for Health Development sa Regions 4-A at 4-B para doon pansamantalang ipadala ang samples mula sa iba pang lisensyadong laboratoryo.
Ang testing zone ng RITM ay sakop ang Metro Manila, Batangas, Laguna, Quezon, Marinduque, Occidental Mindoro at Romblon.
Nitong Abril, naglimita ang RITM ng operasyon nito matapos magpositibo sa COVID-19 ang nasa 40 staff nito.