Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may naka-set up na silang polymerase chain reaction (PCR) assay para sa pag-detect ng monkeypox virus.
Ayon sa DOH, matagumpay ang PCR assay ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng pagpasok sa bansa monkeypox virus.
Kinumpirma rin ng DOH na may isa pang PCR assay na inaayos ang technical team ng RITM para sa pagsusuri ng uri ng monkeypox.
Sa ilalim ng DOH Interim Guidelines for the Implementation of Monkeypox Surveillance, Screening, Management, and Infection Control, ang mga samples lamang na susuriin ay mula sa suspect o probable case ng monkeypox.
Ipapasa naman ang samples sa Epidemiology Bureau para sa referral sa kaukulang laboratory facility para sa confirmatory testing.