RITM, nilinaw na tumatanggap pa rin ng mga specimen mula sa mga non-PhilHealth members para sa COVID-19 testing

Nilinaw ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na tumatanggap pa din sila ng mga specimen mula sa non-members ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Gayunman, ayon kay RITM Director Celia Carlos, kailangan muna nilang magsumite sa mga ospital at sa Disease Reporting Units (DRUs) ng application form para matulungan sila sa kanilang PhilHealth enrollment.

Aniya, otomatikong covered ang mga non-member ng PhilHealth basta nakapagsumite sila ng kanilang aplikayson.


Facebook Comments