RITM, target tapusin ang saliva testing assessment sa loob ng dalawang linggo

Inatasan na ng Department of Health (DOH) ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na tapusin, sa loob ng dalawang linggo ang evaluation sa saliva bilang alternative specimen para sa RT-PCR testing para matukoy ang COVID-19 cases.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat matapos ng RITM ang pag-aaral hinggil sa validation ng saliva.

Sa susunod na linggo, umaasa si Vergeire na makakapaglabas ang RITM ng resulta.


Kailangan ng positive evaluation sa saliva testing bago ito payagan sa ibang laboratoryo.

Kapag na-validate aniya ito, maaari itong ipatupad sa lahat ng laboratoryo.

Una nang nagpatupad ang Philippine Red Cross (PRC) ng Saliva RT-PCR test matapos aprubahan ng DOH ang paggamit nito.

Sa ngayon, ang saliva testing ay available pa lamang sa Red Cross laboratories sa Mandaluyong at Manila.

Facebook Comments