RIVER-CREEK CLEAN UP DRIVE, UMARANGKADA SA DAGUPAN CITY

Umarangkada ang malawakang clean up drive sa mga creek at kailugan sa Dagupan City kahapon.

Katuwang ang mga barangay council ng Pantal, Bonuan Binloc, Lasip Grande at Malued, tinanggal ang kumpol ng water lilies, basura at iba pang maaaring bumara sa agos ng katubigan.

Pinaiigting ang kalinisan sa mga kailugan upang maiwasang pagmulan ng sakit partikular ngayong tag-ulan at minsang nararanasan na epekto ng bagyo.

Inaasahan ang pagsasagawa pa ng naturang aktibidad sa ibang bahagi ng lungsod para sa kalinisan at kalusugan ng mga Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments