Binuksan na ang Bayambang River Cruise sa barangay ng Amancosiling Norte.. Layunin nitong mapalakas ang turismo sa bayan upang matulungan ang mga residente na magkaroon ng hanapbuhay.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 19 registered at operational na stalls sa lugar na nag-aalok ng masasarap na pagkain sa mga bisita at kalaunan ay inaasahang tatangkilin na rin ng maraming turista.
Ang mga may-ari ng stalls na ito ay mga residente ng barangay at iba pang Bayambangueño mula sa ibang barangay.
Mayroon na ring dalawang floating kubo kung saan maaaring makapagbonding ang magkakaibigan at buong pamilya habang kumakain sa gitna ng ilog.
Ang kaligtasan at seguridad ng mga magpupunta sa lugar ay hindi na rin problema dahil tiniyak ng MDRRMO sa BMI na magkakaroon sila ng training sa mga residente ng barangay na magiging bantay sa lugar.
Hinikayat ng lokal na pamahalaan ang mga Bayambangueño na tangkilikin ang lokal na tourist spot na ito at ang mga inaasahan pang mga tourist spot sa bayan. | ifmnews
Facebook Comments