SAN FABIAN, PANGASINAN – Pormal nang pinasinayaan ang National Irrigation Sector Rehabilitation and Improvement Project (NISRIP) sa bayan ng San Fabian.
Isinagawa ang inaugural at turnover ceremony at paglalagay ng marker ng naturang proyekto sa Barangay Binday, sa lugar kung saan nakatayo ang dam.
Ang NISRIP ay 150-million peso na pinagsamang proyekto ng National Irrigation Administration (NIA), Japan International Cooperation Agency, (JICA) Philippine Rice Research Institute (PhilRice) at pamahalaang panlalawigan at bayan dito.
Layon nitong mapabuti ang produksyon sa aspetong agrikultura sa mga bayan ng San Fabian, San Jacinto, at Manaoag.
Aabot sa 1, 565 na mga magsasaka ang benepisyaryo ng proyektong ito na may land areang 2, 116 ektarya.
Samantala, laking pasasalamat naman ng mga benepisyaryong magsasaka at residente sa proyektong ito dahil umano sa tulong ng irigasyon sa kanilang pagtatanim at para makaiwas sa malalim na pagbabahang nararanasan nila noon.