River rehab at solid waste management kabilang sa priority programs ni Environment Secretary Roy Cimatu bago bumaba sa puwesto

Prayoridad ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang pagsasagawa ng massive clean-up ng mga ilog at solid waste management para sa nalalabi niyang panahon sa panunungkulan.

Ani Cimatu, ngayong matagumpay na ang Battle for Manila Bay at ang Boracay rehabilitation, isusunod na rito ang massive clean-up ng mga ilog.

Inatasan ni Cimatu ang mga DENR regional officials at field officers na pangunahan ang river clean-up, gayundin ang management ng mga basura o solid wastes.


Pinagsusumite ng kalihim ang mga ito ng fecal coliform count sa mga maruruming ilog sa kanilang mga nasasakupan.

Inoobliga ni Cimatu ang bawat regional official na makapag-rehabilitate ng mga ilog o alinmang daluyang tubig sa mga highly urbanized cities.

Halos wala ng isang taon ang nalalabi sa kaniyang panahon kung kaya’t inaasahan niyang makapag-deliver ang mga nabanggit na opisyal sa naiatas na tungkulin sa kanila.

Facebook Comments