RIVER RESTORATION PROJECT SA BUONG PANGASINAN, INILUNSAD

Lilinisan at aalagaan ang mga kailugan sa buong Pangasinan upang maiwasan ang malawakang pinsala sa mga sektor dahil sa pagbaha.

Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang 10-year River Restoration Project na may layuning magsagawa ng dredging, desilting, tree planting, solid waste management plan at inland dredging.

Magtatatag din ng flood management department na tututok sa mga pag-aaral at pagpapatupad ng programa para sa mga pangunahing river systems maging sa mga creek at kailugan sa lalawigan.

Magsisimula ang dredging at desilting sa Limahong River Channel sa Lingayen at Nayum River sa Dasol. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments