Nagsagawa ng kanilang regular Riverine Patrol ang mga elemento ng 5th Special Forces noong weekend..
Sinuyod ng mga special forces na nakafull battle gear, sakay ng kanilang mga speed boat air boats ang Rio Grande de Mindanao na sumasakop sa Cotabato City at mga kalapit bayan.
Layun ng riverine patrol ay para maisigurong di malulusutan ng mga ng mga maghahasik ng kaguluhan lalo ng mga terorista ang syudad base na rin sa direktiba ni 6th ID Commander Lt. General Arnel Dela Vega.
Maliban dito kapansin pansin rin ang mas pinatinding chek point ng military sa entry at exit point ng syudad , sa tulong ng Joint Task Force Kutawato.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagsagawa ng Counter Violence Forum ang 6th ID at naging pangunahing speaker ang Security Analyst na si Dr. Rommel Banlaoi .
6TH id Pics