Rizal govt. pinaghahandaan na ang mga deboto at mananata na maglalakbay sa ibat ibang simbahan sa bahagi ng Rizal at Antipolo City

Manila, Philippines – Puspusan ang ginagawang  paghahanda ngayon ng Rizal Government kaugnaysa nalalapit na Semana Santa para maproteksyunan ang  seguridad ng mga  magsasawa ng penitential walk.
  Ayon kay Dong Malonzo, ang hepe ng Rizal ProvincialDisaster Risk Reduction Management Office inaasahan na umano nila  na dadagsa ang mga deboto o nagpapanata  na magsasagawa ng taunang alay lakad saCathedral Our Lady of Peace & Good Voyage sa Antipolo City.
  Sabi ni Malonzo patuloy ang kanilang paglalatag ng mga
Security & traffic plan, sa bahagi ng Antipolo,Cainta, at Taytay Rizal.
  Paliwanag ni Malonzo ginagawa nila ang naturang hakbangpara mabigyan ng katiyakan  ang mgamamanata sa Semana Santa na galing pa sa ibat-ibat lugar sa Metro Manila..
  Dagdag  pa niMalonzo, tuwing  Semana Santa umano  ay daan-daang libo ang nagtutungo sa AntipoloCathedral at iba pang simbahan sa Rizal, para magtika at mamanata.
   

Facebook Comments