Mas maagang magagamit ang Rizal Memorial Sports Complex bilang quarantine facility para sa mga pasyenteng may COVID-19
Ayon kay National Task Force (NTF) agaist COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., natapos na ang pagsasaayos sa pasilidad kaya bukas, April 6 ay magiging operational na ito.
Habang sa Martes, April 7, maaari nang ilipat dito ng Philippine General Hospital (PGH) ang mga pasyente nitong may COVID-19.
Mayroon itong 600 bed capacity na inayos sa tulong ng prime-bed o razon group.
Airconditioned ang mga cubicle nito, may libreng pagkain para sa mga pasyente at frontliners, libreng internet connection at 24/7 ang monitoringng AFP at PNP doctors at nurse.
April 10 ang orihinal na opening ng nasabing sports complex bilang isolation area.
Bukod dito, inihahanda na rin ng Gobyerno ang World Trade Center at Philippine International Convetion Center sa Pasay City at iba pang malalaking pasilidad bilang quarantine area para sa mga COVID-19 patients.