Rizal Memorial Stadium sa Maynila, isasailalim na sa decontamination matapos magpositibo sa COVID-19 ang 48 LSIs

Sisimulan na ngayon ang decontamination at sanitation sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Ito ay matapos na makapagtala ang mga namamahala sa Hatid Tulong Initiative program ng pamahalaan ng 48 Locally Stranded Individuals (LSIs) na nagpositibo sa rapid testing sa sports complex.

Kahapon, isinagawa ang send-off sa 800 LSIs na naiwan sa sports complex.


Nilinaw naman ni Assistant Secretary Joseph Encabo, Head ng Hatid Tulong Initiative, na lahat ng mga nagpositibo sa rapid test ay agad na nailipat sa quarantine facilities ng gobyerno habang naghihintay ng resulta ng kanilang swab test.

Sa datos ng Hatid Tulong Initiative, sinabi ni Asec. Encabo na umabot sa mahigit 6, 000 LSIs ang nakasama sa mga nagtungo sa Rizal Stadium at napauwi na sa mga probinsya.

Nakaalis na aniya ang last batch ng mga LSI na binubuo ng 1,017 indibidwal na patungong Zamboanga Peninsula.

Facebook Comments