Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang katimugang bahagi ng Occidental Mindoro ngayong alas-12:37 ng hapon
Batay sa Earthquake Information No. 1 na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang episentro ng lindol – 19 km South West ng Rizal Occidental Mindoro.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 10 kilometers.
Naitala ang Instrumental Intensity No.3 sa Magsaysay, Occidental Mindoro at Intensity No. 1 sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang aftershocks at pinsala ang naitalang pagyanig.
Facebook Comments