Manila, Philippines – Magpapatupad ang Rizal ProvincialGovernment ng Traffic Re-routing mula Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Ayon kay Rizal Provincial Disaster Management Officechief Dong Malonzo ginawa nila ang naturang hakbang, dahil inaasahan na angmabigat na daloy ng trapiko, kaugnay sa tradisyonal na alay lakad patungo saAntipolo Cathedral at iba pang simbahan sa bahagi Rizal.
Paliwanag ng opisyal simula alas sais ng hapon sa huwebesSanto hanggang alas singko ng umaga sa biernes Santo.
Dagdag pa ni Malonzo Isasarado ang Ortigas Ave. Extentionpatungo ng Antipolo o mula Cainta Juncti0n patungong Antipolo, buong Oliveros Street Antipoloay sarado.
Maging ang Cabrera Road patungo ng Taytay Rizal mula Bosay Resort Area hanggang Tikling TaytayRizal.
Sa mga motoristanaman na manggagaling sa
Pasig Area, Cainta, Taytay, Angono patungo ngJalajala pinapayuhan na dumaan saManggahan Floodway East Bank Road at Vice Versa.
Habang ang mga motorista naman na patungo ng Antipolo ay maaring dumaan sa Marcos Highway.
Kaugnay nito’ymahigpit ang paalala ng Rizal Provincial Disaster Management Office sa mgamag-aalay lakad sa Semana Santa na sundin lamang ang mga Road Signs at mgaalituntunin nakalatag patungo sa Antipolo Cathedral.
Rizal provincial govt., magpatupad ng rerouting sa Huwebes at Biyernes Santo
Facebook Comments