Rizal Provincial Housing Office, Patuloy na nakikipag-ugnayan sa NHA, Rizal PNP at mga munisipyo na may mga relocation site upang hindi maagaw ng mga miyembro ng KADAMAY

Manila, Philippines – Patuloy na nakikipag-ugnayan angRizal Provincial Housing Office sa National Housing Authority, Rizal PNP at mgamunisipyo na may mga relocation site partikular sa bahagi ng Tanay, Baras,Morong, Teresa at Rodriguez Rizal upang hindi maagaw ng mga miyembro ng KADAMAY.
  Ayon kay Dong Malonzo, OIC Rizal Provincial Housing &Resettlement Division, ginawa ang naturang hakbang ay upang huwag maulit muliang  nangyari  sa Pandi, Bulacan na pwersahan inukopahan ngmga miyembro ng Kadamay ang mga pabahay ng gobyerno na para sana sa mgamiyembro ng PNP, AFP at BJMP.
  Ayon kay Malonzo bantay sarado ngayon  at mahigpit umano ang kanilang monitoring samga pabahay sa  naturang mga  bayan upang hindi mapasok ng mga miyembro ng  Kadamay.
  Dagdag pa ni Malonzo na patuloy silang  nakikipag usap  sa NHA para makalipat na ang mga lehitimongaplikante ng pabahay, at makasuhan naman ang mga housing awardees na may paglabag sa kontrata ng NHA.
  Matatandaan noong martes inanunsyo ni Pangulo RodrigoDuterte sa pagharap niya sa anniversary ng Phil. Army na ibibigay na lamangniya sa mga myembro ng KADAMAY ang pinasok nilang housing units sa PandiBulacan.
   

Facebook Comments