RLA-ARMM Assemblyman natutuwa sa sunod-sunod na pagsalong ng mga baril

*Nagagalak si 2nd district Maguindanao assemblyman Khadafeh “Toy” Mangudadatu sa sunod-sunod na mga bayan mula sa kanyang distrito ang nagsalong ng matataas na uri ng mga baril.*
*Anya pa itoy patunay lamang na, tagumpay ang panawagan ng ating presidente at ng Phil Army sa taumbayan na meron itinatagong loose firearms.*
*Sinabi pa niya na ang baril ay naging sanhi ng hindi pag-usad ng ating lugar na ginagamit ang baril sa maling pamamaraan.*
*Ang pinakahuling naglunsad ng balik baril program ay ang bayan ng Talitay maguindanao noong sabado ng Umaga kung saan 25 limang matataas at maliliit na uri ng armas ang ibinalik ni mayor Allan Sabal, na sinaksihan naman ni 6th ID assistant Division commander Brig.General Thomas Donato at 90th IB Lt.Col Fernandez*

Facebook Comments